Languages:
Hindi - हिन्दी | Indonesian - Bahasa Indonesia | Nepali - नेपाली | Punjabi - ਪੰਜਾਬੀ |
Tagalog - Tagalog | Thai - ภาษาไทย | Urdu - ردو | Vietnamese - Tiếng Việt |
Mga Nilalaman sa Ibang Wika
Tagalog
Information Available in Tagalog
The Tagalog version of the Auxiliary Medical Service Website contains selected essential information only. You can access the full content of our website in English, Traditional Chinese or Simplified Chinese.
Mensahe ng Pagtanggap mula sa Komisyoner ng Auxiliary Medical Service

Dr. Ronald LAM, JP
Maligayang pagdating sa web page ng Auxiliary Medical Service ng Hong Kong.
Ang Auxiliary Medical Service ay nagbibigay ng mahalagang karagdagang mga serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Hong Kong sa mga di inaasahang panahon. Handa kaming magbigay ng ganitong mga serbisyo anumang oras at kahit saan sa Hong Kong. Kami ay nakatuon sa pagpapalawak at pagpapabuti ng aming mga serbisyo upang matugunan ang mga nagbabagong pangangailangan ng komunidad at makasabay sa mga pinakabagong pag-unlad.
Inaasahan ko na sa pamamagitan ng web page na ito, maaari tayong makipag-ugnayan sa ating mga estratehikong kasamahan sa mga karagdagang serbisyong medikal sa Hong Kong at sa buong mundo. Malugod naming tinatanggap ang mga mungkahi mula sa mga organisasyong ito.
Mensahe ng Pagtanggap mula sa Punong Opisyal ng Auxiliary Medical Service

G. WONG Ying-keung
Maligayang pagdating sa web page ng Auxiliary Medical Service ng Hong Kong.
Ang Auxiliary Medical Service, na may kasalukuyang bilang na 4,931 na mga boluntaryong miyembr, ay malayo na ang narating mula nang ito ay itatag bilang isang prototipong Corps ng Essential Service noong 1950. Tulad pa man dati, ang aming mga boluntaryong miyembro ay dedikado at nangako sa mahalagang layunin ng pagliligtas ng buhay at pagpapawi ng sakit ng mga nasugatan, na naglilingkod sa lahat ng uri ng tao anuman ang kanilang lahi, edad, o trabaho. Magpapatuloy kami sa pagpapa-unlad ng aming mga serbisyo para sa mga mamamayan ng Hong Kong sa pamamagitan ng praktikal at makabagong mga pamamaraan.
Sa pamamagitan ng web page na ito, makakakuha ka ng mga impormasyon tungkol sa aming mga patakaran, estruktura ng organisasyon, mga aktibidad, atbp. Inaasahan ko na magiging kapaki-pakinabang ang mga impormasyong iyong masusumpungan. Maaari mong gamitin ang mga impormasyong ito at ikonsidera na sumali sa amin bilang boluntaryong miyembro para maranasan mo ang kasiyahan, kasabikan, at satispaksiyon ng pagtulong sa kapwa.
Adhikain at Misyon ng AMS
Adhikain at Misyon ng AMS
Pangangalaga, Kahusayan, Dedikasyon, Kasanayan
Ang aming Adhikain
Para maging pangunahing boluntaryong tagapagbigay ng karagdagang medikal at serbisyong pangkalusugan.
Ang aming Misyon
Para makapagbigay ng mga kagamitan upang mapahusay ang regular na mga serbisyong medikal at pangkalusugan sa pinaka-mabisa at mahusay na paraan sa pamamagitan ng isang sanay, propesyonal, at dedikadong mga boluntaryo upang mapanatili ang pangangalaga at kapakanan ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Mga Operasyon tuwing may Emergency
Pagtawag sa Panahon ng Emergency: Sa panahon ng emergency at natural na kalamidad, magbibigay kami ng karagdagang suporta sa regular na mga serbisyong medikal at pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapadala ng Emergency Response Task Force (ERTF) o iba pang miyembro ng samahan sa lugar upang magbigay ng triage/paggamot sa mga nasugatan sa lugar na pinangyarihan, paghatid ng mga biktima sa mga ospital, at pagtulong sa pangangalaga sa mga pasyente sa mga ospital na may matinding pangangailangan. Sa kaganapan ng "malubhang sitwasyon" o malakihang insidente, magpapadala kami ng mga ambulansya upang magbigay ng serbisyo na dagliang paglilikas sa mga apektadong tao.
Tungkulin tuwing may Bagyo: Kapag itinaas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 8 o mas mataas pa, magpapadala kami ng mga miyembro sa mga itinalagang paradahan ng mga ambulansya ng Fire Services Department upang suportahan ang serbisyong pagpapadala ambulansya, at sa mga itinalagang pansamantalang silungan ng Home Affairs Department upang magbigay ng paunang lunas sa mga mamamayang nangangailangan.
Bukod pa rito, sa hindi inaasahang pangyayari tulad ng isang aksidenteng nuklear, ang AMS ay magkakaroon ng responsibilidad sa pamamahala ng mga sentro ng radiation monitoring at pagsasagawa ng mga pamamaraan ng decontamination sa ilalim ng contingency plan para sa insidenteng may kinalaman sa nuklear.
Mga Regular na Serbisyo
Ang AMS ay nagbibigay ng iba't ibang serbisyo para sa mga mamamayan, tulad ng pagbibigay ng paunang-lunas tuwing may pagdiriwang tulad ng Walks for Million at mga Fireworks Displays, pamamahala ng mga first-aid posts sa mga parke tuwing Sabado at Linggo at mga pampublikong pista opisyal, pati na rin ang pagbibigay ng serbisyong paunang-lunas sa mga dinaraanan ng mga nagbibisikleta. Ang iba pang pang-araw-araw na tungkulin ay kinabibilangan ng pagtuturo ng mga kasanayan at kaalaman sa paunang-lunas sa mga kawani ng gobyerno at mga empleyado ng malalaking organisasyon. Ang mga kwalipikasyon sa paunang na kinikilala sa ilalim ng Occupational Safety and Health Ordinance ay ipagkakaloob pagkatapos makumpleto ang kurso. I-click lamang ang nasa ibaba para sa karagdagang detalye.
Mga Regular na Serbisyo - (i) NEATS
(i) NEATS
Mayroon kaming mga di-pang-emergency na mga ambulansya para magbigay ng non-emergency ambulance transfer service (NEATS) sa pagitan ng mga tirahan at mga institusyong medikal, klinika, ospital o mga health center sa distrito para sa mga mamamayan ng Hong Kong na may espesyal na pangangailangang medikal. Ang serbisyong ito ay maaaring matanggap ng 7 araw sa isang linggo (kasama ang mga pampublikong pista opisyal) mula 0800 hanggang 1800 oras.
Mga Regular na Serbisyo - (ii) FA at Serbisyong Pang-Ambulansya sa mga Parke
Ang AMS ay nagbibigay ng paunang-lunas at serbisyong pang-ambulansya sa mga parke tuwing Linggo at mga pampublikong pista opisyal mula 1000 hanggang 1600 oras. Ang mga lugar ng paunang-lunas ay itinatayo sa mga itinalagang lugar ng Agriculture, Fisheries & Conservation Department.
Mga Regular na Serbisyo - (iii) Serbisyong Paunang-lunas para sa mga Nagbibisikleta
Ang AMS ay nagbibigay ng serbisyong paunang-lunas sa mga dinadaanan ng mga nagbibisikleta tuwing Sabado, Linggo, at mga pampublikong pista opisyal. Ang oras ng serbisyo ay mula 1000 hanggang 1800 oras..
Mga Regular na Serbisyo - (iv) Saklaw ng Paunang-lunas
Ang AMS ay magbibigay ng first aid coverage para sa mga departamento ng gobyerno o mga non-profit na organisasyon. Ang control room sa himpilam ng AMS ay magiging aktibo upang pangasiwaan ang pangkalahatang kontrol sa pangangasiwa ng anumang di-inaasahang sitwasyon na maaaring maganap.
Mga Regular na Serbisyo - (v) Pagsasanay para sa Kawani ng Gobyerno
Nag-oorganisa kami ng mga payak na kurso sa paunang-lunas at resuscitation para sa mga kawani ng gobyerno. Nagbibigay din kami ng mga kurso sa paunang-lunas na may bayad para sa mga kawani at miyembro ng mga non-profit na organisasyon. Karaniwan, 10 araw ang hihintayin para sa tugon. Sa pagtatapos ng kurso, bibigyan ng sertipiko ang mga kalahok.
Mga Regular na Serbisyo - (vi) Mga Methadone na Klinika
Ang aming mga miyembro ay tumutulong sa Department of Health sa pagpapatakbo ng 18 mga methadone na klinika, kabilang ang mga tungkulin sa administrasyon, nursing, accounting, shroffing, dispensing, at iba pang mga klinikal na gawain.
Cadet Corps
Itinatag noong 2011, ang AMS Cadet Corps ay isang grupo ng kabataan sa ilalim ng AMS ng Pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region. Ang AMS Cadet Corps ay nakatuon sa paghahanda ng kanilang mga kadete na may edad na 12 hanggang 18 taong gulang ng propesyonal na kaalaman at kasanayan sa pangangalaga, kalinisan at kalusugan, sa pamamagitan ng pagpapalayog ng kanilang disiplina sa pamamagitan ng pagturo ng wastong pag-uugali sa mga miyembro, at pagtataguyod sa kanila upang maging mabubuting mamamayan.
Bukod sa edukasyon sa pangangalaga sa kalusugan at pampublikong kalinisan, nagbibigay din ang AMS Cadet Corps ng iba't ibang pagsasanay para sa kanilang mga miyembro. Ang "Health Awareness and Promotion Programme for Youth (HAPPY)" na inilunsad noong 2021 ay nagbibigay din ng mga kaugnay na impormasyon sa mga kadete patungkol sa industriya ng pangangalaga sa kalusugan at pagsasanay na nakatuon sa paghahanap-buhay upang matulungan ang mga miyembro na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa propesyong medikal, magtakda ng mga layunin sa pag-aaral nang maaga, at mamagitan sa kanilang plano sa hinaharap.
Cadet Corps – Mga Aktibidad & Programa ng Pagsasanay
Ang Cadet Corps ay nakatuon sa paghahanda sa kanilang mga kadete ng propesyonal na kaalaman at kasanayan sa pangangalaga sa kalusugan, pampublikong kalinisan, at iba pa, na nakatuon sa buong pag-unlad ng pangunahing batayan sa pangangalaga sa kalusugan. Tutulungan din sila nito na magkaroon ng mabuting asal at karakter sa pamamagitan ng pagsasanay sa disiplina upang sila ay maging mga haligi ng lipunan sa hinaharap.
(1) Induction course para sa mga bagong miyembro ng cadet (tatlong araw, 24 oras sa kabuuan): kabilang rito ang mga utos ng AMS, kasanayan sa paunang-lunas, foot drill, disiplina, at etiketa.
(2) Regular na Pagsasanay (3 oras na regular na pagsasanay at pagsasanay sa labas tuwomg Sabado ng hapon kada buwan): kabilang rito ang mg utos ng AMS, kasanayan sa medical na pag-alalay tuwing may sakuna, foot drill na estilong Tsino, disiplina, etiketa, at edukasyon sa pambansang seguridad.
(3) Mga Advanced na Kursong Pagsasanay: kabilang rito ang pisikal na pagsasanay (foot drill na estilong Tsino na pagsasanay, pampublikong kalusugan / pagkontrol sa impeksyon, edukasyong pangkalusugan / pagtataguyod ng kalusugan, pangangalaga, psychosocial na paunang-lunas / kalusugang pangkaisipan, pagbisita sa iba’t ibang pangkalusugang pasilidad, edukasyon sa pambansang seguridad & edukasyon bilang kawani ng pamahalaan, edukasyon kontra-droga, pagpapa-unlad ng sarili, at iba pa: pang-edukasyong pamamasyal, pag-akyat sa bundok, orienteering, camp craft, pagsasanay sa pagiging lider, ang Hong Kong Award for Young People, atbp.
Cadet Corps - Health Awareness and Promotion Programme for Youth (HAPPY)
Noong 2021, inilunsad ng AMS Cadet Corps ang Health Awareness and Promotion Programme for Youth (HAPPY), na nakatuon sa pagtataguyod ng buong pag-unlad ng tao kasama ang pangangalaga sa kalusugan bilang pangunahing batayan para sa mga miyembro ng kadete. Noong Abril 2023, pumirma ang AMS ng Memorandum of Understanding sa Hong Kong Metropolitan University upang opisyal na ilunsad ang isang serye ng mga kolaborasyon sa akademiko at serbisyo (HAPPY to U), kabilang ang "Online Self-Study Certificate Course in Medical and Public Health," na layuning mangalap ng higit pang mga talento sa pangangalaga sa kalusugan para sa Hong Kong.
Ang mga kursong iniaalok sa ilalim ng programang ito ay kinabibilangan ng Online Self-Study Certificate Course sa Medical and Public Health, Medical and First Aid Attendance Certificate Course, Basic First Aid Certificate Course, Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED) Certificate Course.
Pagtataguyod ng Pagkakapantay-pantay ng Lahi
Ayon sa kabuuang patakaran ng Pamahalaan, ang Auxiliary Medical Service (AMS) ay nakatuon sa pagtanggal ng diskriminasyon sa lahi at pagtataguyod ng pantay na pagkakataon para sa mga taong mula sa iba't ibang lahi. Bukod dito, ang AMS ay aktibong kumikilos upang itaguyod ang pantay na pagkakataon para sa mga taong mula sa iba't ibang lahi, anuman ang kanilang kultura at wika, upang magkaroon ng pantay na pagkakataon na magamit ang aming mga pasilidad at serbisyo. Ang listahan ng mga hakbang sa pagtataguyod ng pantay na pagkakataon para sa mga taong mula sa iba't ibang lahi na isinasagawa ng AMS, at ang taunang estadistika sa mga serbisyong interpretasyon at pagsasalin ng wika, ay maaaring matagpuan dito.